Live Curious

I hate school and its stupid "RULES".
Flag Counter

Long time..

It’s been a long time old friend. You’ve been so good to me and all my secrets and thoughts every 1am, but i have to let you go. Good thing though is that, we are moviiiiiiiiiing! Yes, you and me. New account, same old same. Hahaha!

See yah guyzzzzzz!!!

sisyelll.tumblr.com

Let’s go! :)

Anonymous asked: Ano po gamit nyong cellphone sa pagkuha ng instagram?

Ang instagram po ay hindi kinukuha. Isa lang po itong application kung saan pwede mong i-edit at i-share ang iyong mga litrato. Ibig mo po bang sabihin eh, “Ano gamit mong phone sa pagkuha ng pictures na shinishare mo sa Instagram?”

Uy! sino ka? Dalawang blog ko sinusundan mo tapos anon ka? Hmmm.. Kausapin mo ako, wag anon..

Sinagot ko na sa kabila ng maayos tong tanong mo. Pakilala ka na. :(

MGA KAKATUWANG BAGAY NA DAPAT NYONG MALAMAN TUNGKOL SA INYONG LINGKOD. (Parang yung mga sinasabi lang sa commercial no bago lumabas yung mga politician)

Ang buong pangalan ko ay, NIEZA SEYCHELLE AVILA. MINDARO. (Hindi MINDORO, M-I-N-D-A-R-O) Magulo yung utak ko, magulo yung buhay ko, higit sa lahat ng magulo, yung buhok ko. Hindi po ako nagsusuklay. Walang occasionally, walang kasal, walang date, basta, hindi ako nagsusuklay. :)

Ayoko mag-aral. (Sayang pera.) Tsaka, matututo ka naman sa labas ah. Hindi kelangan ng kung anumang checheburetcheng mga Unibersidad para masabing matalino ka. (LECHENG MGA DIPLOMA YAN!)

Adik ako sa PAG-IBIG. Adik ako sa mga gawa ni Hayao Miyazaki na tunay namang natatangi.


Into music and art and SCIENCE!!! Adik sa lahat ng bagay tungkol sa outer space (PANGARAP KO KASI NOON MAGING ASTRONAUT. PERO NGAYON TAGA-PICTURE NALANG NG PLANET, STARS, AT KAHIT ANO PANG KAECHUSAN NG GALAXY.)

Pangarap ko magkaroon ng magandang CAMERA. Pangarap ko maging si Ansel Adams at si Papa. Gusto ko maging landscape photographer. Aside kasi sa adik ako sa lahat ng bagay na magawi yung malikot kong mata, makulit din po yung utak ko.

Isa akong trying-hard na photographer, writer, philosopher, at sabi nga ng Tatay at Nanay ko, psychotic.


I believe that what ever religion youare in, wag ka magalala, lahat tayo maliligtas hanggat may pananalig ka sa kung sinong Hari man ang nasa itaas. (Basta wag ka lang daw magmumura, ayusin mo yung buhay mo, mag dasal ka parati. Chos!)

Weirdo, over-thinker, bakla, mahilig sa sunset at sunrise, at sa clouds at poste ng kuryente at sa mga paa at sapatos ng ibang tao.

Pakialamera ako. Ayoko sa pulitika at sa mga pukinanginang mga pulitiko na yan.

Gusto ko maging si Socrates o si Pareng Plato. Sa sobrang hilig ko kasing hukayin pa ng mas malalim ang usapan at kahulugan ng isang bagay nagiging nobela na. Gusto ko laging tinatanong ako at mahilig ako makipagtalo.

Naniniwala akong bakla si Rizal. 

Idol ko si Lourd De Veyra, Matilda, Power Ranger Yellow, at si Spinelli ng Recess.

Nung bata ako ang tangi kong pangarap ang maging isang Cartoonist. (Ay teka sino nga bang bata ang hindi nangarap gumawa ng cartoon noong kabataan nya?)

Hindi ako nahilig sa make-up, sa pulbo, sa listip, sa eyeliner eskemberlo na mga ganyan.

Apat kami magkakapatid. Ako, panganay, si Tek pangalawa, si Nikko pangatlo at si Nigel ang aming bunso.


Pangarap kong tumino ang aking buhay at matupad ang aking mga mithiin. Pangarap kong masabihan ng mga magulang ko ng, “We’re very proud of you, Anak.”

Malibot ang mundo, kumuha ng litrato, sumikat, umangat, at higit sa lahat, SUMAYA. :)

Salamat sa pagbabasa.

“Hanggang sa susunod nating pagkikita, paalam!” - Goku.

Lalala..

As we grow older, we become wiser. I don’t know why people often mistake that to stuffs like, kesyo “WE’VE CHANGED” na daw

Well, in a way, yeah, we become wiser. And unfortunately, older. Big change ano? :|

My sister’s lucky i’m her Ate.

Tek nagrereview tapos ako nakialam:  ”Bakit hindi nagagamot ang INFLUENZA?” 

Ako: “Nakukuha mo yan sa mga taong naeencounter mo araw-araw. Kunyari, may nakita kang babae maganda yung suot tapos gusto mo syang gayahin, INFLUENZA! Pag kumain ka tapos nagustuhan mo, pinatry mo sa iba, INFLUENZA! Pag may nakita kang tao na maraming pera, nainspire ka, INFLUENZA! Ano ba Tek?! Common sense! Kaya nga INFLUENZA eh, INFLUENCE! God! Are you really studying?!”

NGANGA!!! 

Joke lang! INFLUENZA - a single stranded RNA virus that causes acute, highly contagious respiratory illness.

VIROLOGY, Bitch! Wahahahahaha!

Anyone who’s kind enough to buy this page? :3

Anyone who’s kind enough to buy this page? :3